Sa Gamma, priority namin ang mga creator, ibig sabihin, gusto naming bigyan ka ng kontrol sa iyong mga koleksyon hangga't kaya namin.
Gamit ang Ordinal collection manager, maa-update ng mga creator ang kanilang impormasyon, mint, at royalties.
Tingnan natin ang mga hakbang na kakailanganin mong gawin para ma-update ang iyong mga royalty. Pakitandaan na maaari itong gawin pagkatapos mong i-deploy ang iyong koleksyon.
- Pumunta sa gamma.io at i-click ang "Connect wallet". Lalabas ang iyong alphanumeric address.
- Mag-click sa menu (hamburger icon) at piliin ang "Creator Management". Ipo-prompt ka nito na mag-sign sa popup.
- Pagka-sign, pumunta muli sa "Manage collections".
- Mag-click sa koleksyon na gusto mong gumawa ng mga pagbabago.
- Mag-navigate sa "Payment tab" at i-update ang iyong porsyento ng royalty.
- I-click ang i-save at tapos na!
Pakitandaan na ang masyadong mataas na royalty ay nag-reresulta sa private trading o ang pagbebenta at pagbili ng hindi gumagamit ng marketplace. Ito ay mapanganib na aktibidad na nagdudulot sa scam at iba pa.
Ang pagbago ng iyong royalty percentage ay maaring maka-apekto sa listing sa hinaharap. Ang kasalukuyang naka-list ay pananatilihin ang royalty percentage sa itinakda sa oras ng pag-list.
Mga Komento
0 komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.