Priority ng Gamma ang mga creator, kaya tama lamang na magkaroon ng paraan na ma-manage ng creators at artist ang kanilang mga koleksyong na-deploy gamit ang aming launchpad.
Tingnan natin kung paano i-manage ang iyong Ordinals collection. Maaari mo ring panoorin ang video na ito.
Pagtungo sa Manage collections page
Una, kakailanganin mong ikonekta ang iyong wallet sa Gamma. I-click ang button na 'connect' sa kanang sulok sa itaas, at piliin ang wallet na gusto mong gamitin.
Piliin ang account na gusto mong ikonekta sa Gamma. Tiyaking ito ang account na ginamit mo para i-deploy ang iyong koleksyon.
Malalaman mong nakakonekta ka dahil lalabas ang iyong alphanumeric address sa pill sa kanang sulok sa itaas. Mag-click sa menu (hamburger icon) at piliin ang "Manage collections".
Ipo-prompt ka nito na mag-sign sa isang message. Isa itong paraan ng pag-beripika na ikaw ang may ari ng wallet na ito.
I-click ang "Sign". Pagkatapos, mag-click sa menu at "Manage collections" muli.
Dadalhin ka sa Manage page, kung saan makikita mo ang lahat ng mga koleksyong na-deploy mo gamit ang Gamma. Piliin ang koleksyon na gusto mong i-manage.
Pag-manage ng iyong mint
Kapag na-click mo na ang koleksyon na gusto mong i-manage, dadalhin ka nito sa Mint tab.
Dito, makikita mo ang status ng iyong koleksyon, nakabinbin o naaprubahan, at pag-update ang iyong mint stage. Maaari mong i-edit ang presyo ng mint at i-update ang max na mint bawat address anumang oras sa panahon ng mint. Para sa unlimited mints, itakda ang maximum na halaga sa 0. I-click ang "Save".
Kung hindi ka nagdagdag ng mintpass file sa deployment, makikita mo lang ang "Pause" at "Public".
Bago ang pag-minting, maaari mong i-update ang iyong mga mintpasses. Ibig sabihin, kung "Naka-pause" pa rin ang yugto ng mint, maaari mo pa ring i-update ang CSV. Kapag nagsimula na ang mint, hindi mo na ito maaring i-update pa.
I-click ang "Save". Lalabas na ang Presale na button.
Sa ibaba ng seksyong Mintpass ng page, makikita mo ang mga inaasahang pagpipilian sa presyo. Kabilang dito ang bayad sa mint, bayad sa inskripsiyon, at bayad sa serbisyo ng Gamma. Ang mga creator ay hindi nagbabayad nang maaga, at ang mga mamimili ay nagbabayad para sa inskripsyon kapag mint nila ito. Ang mga inaasahang opsyon sa presyo na ito ay para sa eksaktong punto ng oras na tinitingnan mo ang mga ito, at maaaring magbago habang patuloy ang pagsisikip ng network.
I-edit ang iyong mga detalye
Sa ilalim ng tab na Mga Detalye, magagawa mong i-update ang paglalarawan ng iyong koleksyon, link sa website, twitter handle, at discord. Kung mas maraming impormasyon ang ibibigay mo sa iyong mga kolektor, mas matututo sila tungkol sa iyong proyekto at sa iyo bilang isang creator.
I-edit ang iyong mga detalye ng pagbabayad
Sa seksyong ito, magagawa mong i-edit ang iyong BTC address. Ito ang address kung saan ka makakatanggap ng mga bayad para sa mga mints at mga royalty galing sa secondary sales.
Maaari mo ring i-edit ang iyong porsyento ng royalty dito.
Mga Komento
0 komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.