Ano ang recursive inscriptions?

Carole
Carole
  • Na-update

Ano ang recursive inscription?

Ang recursive inscriptions ay dahilan upang ang mga inskripsiyon ay kumonekta sa isa't isa na lumilikha ng bago at mas maliit na inskripsiyon na may higit pang detalye kaysa sa isang pangkaraniwang inskripsiyon. 

Sa madaling salita, ang mga recursive inscription ay code na nagkokonekta sa mga inskripsiyon, na dati ay magkakahiwalay sa isa't isa. Ang nilalaman ng isang inskripsiyon ay maaaring gamitin ng maraming iba pang mga inskripsiyon upang makabuo ng isang bagong larawan.

Nangangahulugan ito na ang mga creator ay makakagawa na ngayon ng mas detalyadong art na may mas mataas na kalidad at resolution, nang hindi kinakailangang gumastos ng mas-malaking network fee at isipin pa ang limitasyon sa bawat block. Ang isang Bitcoin block ay 4MB, at ang isang inskripsiyon na ganito ang laki ay hindi makakamit maliban kung mayroon kang access sa isang bitcoin miner tulad ng ginawa ng Bitcoin Magazine para sa kanilang 4MB na inskripsiyon, o ginawa ng DeGods upang i-insincribe ang lahat ng kanilang Bitcoin DeGods sa isang block. Bagama't posible, napakamahal din nito.

Sa kabuuan, ang isang mas “sopistikadong” digital artifact ay nangangailangan ng malaking halaga ng code o espasyo ay maaaring gawin gamit ang ilang mga inskripsiyon, na ang pangunahing inskripsiyon ay naka-konekta sa iba pang mga inskripsiyon upang makagawa ng panibagong resulta. 

 

Paano magagamit ang recursive inscriptions?

Maraming iba't ibang paraan ang mga recursive inscriptions na maaaring magamit upang lumikha ng mga koleksyon habang binabawasan ang mga gastos at makamit ang higit na detalye at kalidad. Tingnan natin ang ilang halimbawa. 

Metablocks ay ang recursive piece ni Billy Restey. Ang pinal na 16,000 x 16,000 pixel artwork na ito ay nag-kokonekta sa 400 iba pang mga inskripsiyon. At ang pinal na image ay inscribed recursively sa pamamagitan ng paghiwa-hiwalay, at pagkatapos ay binuo pabalik ng magkasama. Ang 400 na magkakahiwalay na inskripsiyon na ito ay pinagsasama-sama upang mabuo ang pinal na imahe o artwork.

Ang OnChainMonkeys ay naka-inscribe gamit ang p5.js at 3js upang mabuo OCM Dimensions, na nagre-render ng isang 3D na modelo on-chain. Maaring marami pang mga library code ang ilalagay sa blockchain sa paglipas ng panahon. Sa recursion, maaaring i-reference ng iba ang mga inskripsiyong upang magamit, katulad ng isang open-source software development. 

Ang Counterfeit Cvlt ay gumamit ng recursion para makagawa ng mga edisyon sa kanilang Ordinals collection. Ginawa ito sa pamamagitan ng pag-inscribe sa "master" file, at pagkatapos ay pag-refer sa file na iyon upang lumikha ng higit pang mga kopya, na parang isang photocopying machine na nagre-reference sa orihinal na file sa tuwing magpi-print ito ng bagong kopya.

Ang Cirque Le Noir ay naglagay ng traits sa koleksyon nila, pagkatapos ay gumawa ng 10,000 pang inskripsiyon na bawat isa ay gumagamit ng maliit na halaga ng code upang mag-link ang mga traits at i-render programmatically ang imahe o artwork. Ang pag-inscribe ng 10,000 JPEG file para sa isang koleksyon ng PFP ay magiging mas mahal at hindi gaanong mahusay. Kaya dito, ang bawat layer ay naka-store sa chain, at ang bawat piraso ay naghahalo at tumutugma sa mga ito upang mabuo ang isang pinal na artwork. 

 

Ano ang mga pakinabang ng recursive inscriptions?

Dahil ang paulit-ulit na code ay maaaring i-inscribe nang hiwalay, mas kaunting data ang kailangan para sa bawat inskripsiyon. Dahil dito, ang halaga ng inskripsiyon ay nababawasan, ang pinal ma Ordinal ay maaaring maging mas detalyado at ang kalidad at resolusyon nito ay maaaring mas mataas. Maaari ding payagan ng recursion ang on-chain reveal na mga proseso at raffle para sa mga bagong mints, pati na rin ang Dynamic Ordinals. Sa kabuuan, ang Recursive inscriptions ay isang napakalaking pakinabang para sa mga creator at collector.

Upang ilunsad ang iyong recursive inscription collection, magtungo sa gamma.io/ordinals o makipag-ugnayan sa kung kailangan mo ng anumang tulong. Good luck!

Nakakatulong ba ang artikulong ito?

0 sa 0 ang nagsabing nakakatulong ito

Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Mangyaring mag-sign in upang mag-iwan ng komento.