Carole
Carole
  • Na-update

Mga iminungkahing hakbang

  1. Maghanap ng isyu na gusto mong ayusin.
  2. Tukuyin kung ano ang magiging magandang unang hakbang patungo sa paglutas ng isyu. Ito ay maaaring nasa anyo ng code, pananaliksik, panukala, o sa pamamagitan ng pagmumungkahi na i-close ito, kung ito ay lipas na o hindi magandang ideya sa simula pa lang.
  3. Magkomento sa problema, at humihingi ng feedback. Maaari kang sumali at magsimulang magsulat ng code o mag test, ngunit nakakatipid sa oras ang pagberipika kung ang paksa ay luma na, kung hindi ito malinaw, kung ito ay hindi pa handang ipatupad.
  4. Kung ang isyu ay nangangailangan ng pagbabago ng code o pag-aayos sa isang bug, magbukas ng PR (pull request) draft na may kasamang test at humingi ng feedback. Nakakatulong ito na matiyak na ang lahat ay sumasang-ayon sa kung ano ang kailangang gawin o ang unang hakbang sa paglutas ng problema. Dapat tandaan na ang paggawa ng tests at mahalaga upang madali at mabilis ma peripika ang iyong PR.
  5. Gumawa ng maraming test, at i-tweak ang code hanggang sa handa na itong isumite.
  6. Markahan ang PR ng “ready to review”.
  7. Baguhin ang PR kung kinakailangan.
  8. At sa huli, maari itong mai-merge!

Magsimula sa maliit

Ang mga maliliit pagbabago ay magbibigay-daan sayo na makapag-ambag ng mabilis, at kung hindi, hindi ka mag-aaksaya ng maraming oras.

Mga ideya:

  • Magdagdag ng bagong test o test cases
  • Magdagdag o pagbutihin ang dokumentasyon
  • Maghanap ng isyu na nangangailangan ng higit pang pananaliksik, gawin ang pagsasaliksik na iyon, at ibuod ito sa isang komento.
  • Maghanap ng out-of-date na isyu.
  • Maghanap ng isyu na hindi dapat gawin, at magbigay ng constructive na feedback na nagdedetalye kung bakit sa tingin mo ay ganito ang sitwasyon.

Mag-merge nang maaga at madalas

Hatiin ang malalaking gawain sa mas maliliit na hakbang. Kung mayroong isang bug, maaari kang magbukas ng PR na nagdaragdag ng isang failing ignored test. Maaari itong i-merge, at ang susunod na hakbang ay ang pag-ayos ng bug at karagdagang tests. Magsagawa ng pananaliksik o pag-testing, at iulat ang iyong mga resulta. Hatiin ang isang feature sa maliliit na sub-feature at isa-isang i-fix ang mga ito.

Ang paghahanap ng paraan upang hatiin ang isang malaking PR sa mas maliliit na PR ay isang form of art na magandang practice bilang isang contributor.

Ang mga maliliit na changes ay mabilis na bumalangkas, nagre-rebisa, at nagsasama, na mas maganda  kaysa sa pagtatrabaho sa isang malaking PR na tumatagal nang walang hanggan sa pag-draft, pagbabago, at pagsasama. Ang maliliit na changes ay hindi tumatagal ng maraming oras, kaya kung kailangan mong huminto sa paggawa sa isang maliit na changes, hindi ka magsasayang ng maraming oras kumpara sa isang mas malaking changes. Ang mabilis pag-PR ay nakakatulong na mapabuti ang proyekto kaagad, imbes na maghintay ng mahabang panahon para sa mas malaking changes. Ang maliliit na changes ay mas malamang na magdulot kakaunting conflict sa pagme-merge. Gaya ng sinabi ng mga taga-Athenians: “The fast commit what they will, the slow merge what they must.”

Humingi ng tulong

Kung natigil ka nang higit sa 15 minuto, humingi ng tulong, halimbawa sa Rust Discord, Stack Exchange, o sa project issue or discussion board.

I-practice ang hypothesis-driven debugging

Bumuo ng hypothesis tungkol sa sanhi ng problema. Alamin kung paano i-test ang hypothesis na ito. Gawin ang test na ito. Kung ito ay gumana, maaari mong malutas ang problema o ngayon alam kung paano ayusin ito. Kung hindi, magsimulang muli sa isang bagong hypothesis.

Bigyang-pansin ang mga mensahe ng error

Basahin ang lahat ng mga mensahe ng error at huwag i-tolerate ang mga warnings.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?

0 sa 0 ang nagsabing nakakatulong ito

Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Mangyaring mag-sign in upang mag-iwan ng komento.