Tungkol dito
Ang pag-setup ng Gamma Discord bots ay napakabilis at hindi kinakailangan magbayad sa paggamit nito.
Magsimula
Maaring basahin ng mabuti ang mga sumusunod na instructions bago magsimula.
- Simulan ang pag-install nang bot gamit ang link na ito: Install Bot
- I-select ang luma o baong channel na gusto mong gamitin para sa bot feed. Halimbawa, #sales or #marketplace-events at iba pa. At kung papansin, maaring mag link ng maraming channels na may iba't-ibang feeds. Mabuting i-check ang bot permission para makapag-access at post sa mga channels na napili. Kung hindi makita ang bot sa listahan ng channel ito'y sapagkat walang permission ang bot na ma-access ang channel.
- I-verify ang bot kung ang permissions nito sa mga channels ay tama at walang kulang. Para ma verify i-execute ang command na ito:
-
/check-bot-permissions
-
- Kapag na-setup nang tama ang bot ay maari na i-type ng server owner ang /ordinals-sales (o kahit anong /-watch command), at makakapili siya ng collection at feed na gusto niyang i-subscribe.
Halimbawa ng mga subscription setup
Panuorin ang example sa pag-subcribe sa partikular na bot feed.
Mga magagamit na subscription commands
Ordinals
/ordinals-listings
/ordinals-sales
/view-channel-subscriptions
/remove-channel-subscription
Stacks
/stacks-watch-listings
/stacks-watch-sales
/stacks-watch-unlistings
/stacks-watch-offers
/stacks-watch-auctions
/stacks-watch-dao
/stacks-watch-stacks-blocks
/view-channel-subscriptions
/remove-channel-subscription
Beripikasyon ng Discord account
Ordinals
Ang pagberipika ng Ordinals o Bitcoin address ay hindi pa handa. Kami ay nakikipag-ugnayan sa mga wallet providers upang matiyak na maayos at ligtas ang pag-sign ng wallet na naglalaman ng mga ordinals.
Stacks
Ang lahat ng miyembro ng Discord server ay maaring gamiting ang beripikasyon ng account upang makonekta ang kanilang Discord account at Stacks address(es), kasama na din ng kanilang Gamma profile(s).
Ang prosesong ito ay gumagamit ng Discord OAuth upang masiguro na secure ang impormasyon ang naibibigay sa Gamma. Katulad ng naunang pahayag, ang proseso ay gumagamit ng wallet connect para ma-beripika ang impormasyon at pag-aari ng iyong Stacks address, Gamma Profile at impormasyon tunkol sa iyong ari-arian na nasa Blockchain.
Sa makatuwid, ang proseso ng pagberipika ay nagbibigay ng kaalaman sa may-ari ng Discord server na malaman ang bilang ng iyong NFT upang magbigay ng ekslusibong benepisyo.
Paano makabit ang Discord accounts sa Stacks addresses
- Para ma-connect ang Discord account sa Stacks address, ang may-ari at miyembro ng server ay maarin gamitin and command na nasa ibaba:
/verify
- Isang mensahe ang lalabas galing sa bot upang magbigay ng impormasyon sa pagpayag ng miyebro na magbigay ng pahintulot sa pagkabit ng Discord at Gamma.
- Katulad ng nasa itaas, ang miyembro ay mapupunta sa Gamma upang magbigay ng pahintulot na magkabit ang Stacks address at Gamma profile. At kung ang miyembro ay hindi naka-login sa Gamma, kakalilanganin nitong mag connect at sign para magpatuloy.
- Sa huli, ang miyembro ay makakatanggap ng mensahe na ang proseso ay matagumpay at maari nang i-sara ang browser window.
Paggagawad ng Discord Role base sa kapit na NFTs
Kapag ang Gamma bot ay matagumpay na-setup, maari nang magamit ang Role Mapping feature upang magbigay na espesyal na benepisyo base sa bilang ng NFT na pagaari ng miyembro. Maari ding mag set ng mas-tiyak na role mapping base sa mga katangian ng isang NFT. Isang halimbawa ay, "Red background".
Ang ibabang impormasyon ay ipagpalagay na na-setup ng kumpleto ang Discord roles at mga channels nito. Ang mga impormasyon sa buong proseso any maari ding makita sa Discord knowledge base article.
Pagmamapa ng role (Mga hawak na NFT)
- Upang makapagsimula ng pag-role mapping. Maari lamang na i-execute ang nasa ibaba na command:
/create-role-mapping
- Sunod ay kinakailangan i-sumite ang role, collection at bilang ng NFTs na kailangan para makatanggap ng pinili na role.
- Para tinganan at magtanggal ng role, maaring magamiting ang mga sumusunod na commands:
/view-role-mappings
/remove-role-mapping
Pamamahala ng mga role mapping base sa traits ng NFT
- Upang makapagsimula ng pag-role mapping. Maari lamang na i-execute ang nasa ibaba na command:
/create-trait-role-mapping
- Sunod ay kinakailangan i-sumite ang role, collection, categorya ng traits, at bilang ng NFTs na kailangan para makatanggap ng pinili na role.
- Para tinganan at magtanggal ng role, maaring magamiting ang mga sumusunod na commands:
/view-role-mappings
/remove-role-mapping
Pagsi-sync ng mga user roles sa mapppings
Kahit na aktibong hawak ng isang user ang mga NFT na kinakailangan upang mabigyan ng naka-map na role, ang kanilang status bilang holder ay dapat na naka-sync sa bot upang maibigay ang mga roles. Gumagana ang prosesong ito sa parehong paraan sa kabaligtaran kung ibebenta o ililipat ng user ang kanilang dating na-verify na mga hawak.
Maaaring i-sync ng may-ari ng server ang mga roles para sa lahat ng user sa loob ng kanilang server, o maaaring i-sync ng isang indibidwal na user ang kanilang sariling mga tungkulin gamit ang parehong command. Pagkatapos na matagumpay na mai-link ng isang user ang kanilang Discord account sa kanilang Stacks address, awtomatiko silang tuturuan na patakbuhin ang utos ng sync roles.
- Upang i-sync ang mga roles, maaaring tawagan ng may-ari ng server o indibidwal na user ang command na ito:
/sync-roles
Pamamahala ng mga permission upang tingnan at makipag-ugnayan sa mga command ng bot
Bilang default, lalabas ang mga admin command ng bot (hal. /watch-listings) sa lahat ng user sa loob ng server. Gayunpaman, ang mga Admin ng Server lamang ang talagang makakatawag ng mga naturang command nang matagumpay.
Kung susubukang gamitin ng mga user / miyembro ng server ng Discord na gamitin ang mga bot command, magpapadala ang bot ng mensahe ng error na nagsasabing walang pahintulot ang user na patakbuhin ang command. Hindi ito nalalapat sa mga command ng komunidad gaya ng /floor na available sa lahat ng user sa loob ng channel kung saan parehong maaaring mag-post ang user at bot.
Kung gusto mong paghigpitan ang mga user sa pakikipag-ugnayan sa bot sa loob ng ilang channel (kabilang ang mga command ng komunidad), maaari mong i-post ang bot sa isang channel na read-only sa mga miyembro ng komunidad. Pagkatapos ay maaari mong alisin ang access ng bot mula sa mga channel ng komunidad kung saan hindi ito kailangan. Kung hindi makapag-post ang isang user sa channel, hindi sila magkakaroon ng kakayahang tumawag sa function ng bot.
Itinago ang lahat ng mga command mula sa mga user (hindi inirerekomenda)
Kung gusto mong itago ang mga command upang hindi makita ng mga user, maaari mong alisin ang pahintulot na "Application Commands" sa antas ng server ng Discord para sa mga user. Ito ay matatagpuan sa loob ng pangunahing mga setting ng server. Pakitandaan na pinipigilan ng setting na ito ang lahat ng slash command sa lahat ng bot sa loob ng iyong server.
Iba pang tulong at pag-troubleshoot
Mga magagamit na mga Command
Pindutin ang slash key ( / ) upang tingnan at mag-scroll sa listahan ng lahat ng available na command. Kapag sinimulan mong i-type ang mga salita para sa command na hinahanap mo, agad nitong i-filter ang mga command na hindi tumutugma sa iyong paghahanap.
Nawawalang mga roles
Kung humiling ka ng command mula sa bot na nangangailangan ng mga matataas na pahintulot (hal. Manage Roles permission), magbabalik ang bot ng error na nagsasaad na nangangailangan ito ng mga matataas na role. Maaari mong i-click ang ibinigay na link upang bigyan ang bot ng mga kinakailangang pahintulot.
Iba pang mga isyu o katanungan
Kung kailangan mo ng karagdagang tulong sa pagsisimula o pag-troubleshoot ng mga isyu sa iyong bot, inirerekomenda namin ang pag-open ng support ticket kasama ang iyong request.
Mga Komento
0 komento
Mangyaring mag-sign in upang mag-iwan ng komento.