Carole
Carole
  • Na-update

Ang handbook na ito ay isang gabay sa pagunawa ng Ordinal Theory. Ang Ordinal Theory ay may kinalaman sa satoshi, kung saan nagbibigay ito ng indibidwal na pagkakakilanlan at nagpapahintulot sa kanila na masubaybayan, mailipat, at magbigay ng kahulugan.

Ang Satoshis, ay ang atomic, “native currency” ng Bitcoin network. Ang isang bitcoin ay maaaring hatiin sa 100,000,000 satoshis, at wala nang iba pa.

Ang Ordinal theory ay hindi nangangailangan ng sidechain o token bukod sa Bitcoin, at maaaring gamitin nang walang anumang pagbabago sa Bitcoin network.

Ang Ordinal theory ay nagbibigay sa satoshi ng numismatic na halaga, na nagdudulot para sa mga ito na kolektahin at ipagpalit bilang mga ‘rare’ na bagay.

Ang mga indibidwal na satoshi ay maaaring ma-inscribe ng kahit anong arbitraryo nilalaman, na lumilikha ng mga natatanging “Bitcoin-native” digital na artifact na maaaring itago sa Bitcoin wallet at ilipat gamit ang mga transaksyong Bitcoin. Ang mga inskripsiyon ay hindi nababago, secure, at desentralisado gaya ng mismong Bitcoin.

At iba pa na hindi pangkaraniwang gamit nito ay: mga off-chain colored-coin, pampublikong imprastraktura ng key na may key rotation, isang desentralisadong kapalit ng DNS. Gayunpaman, sa ngayon, ang mga ganitong espekulasyon ng paggamit ay haka-haka, at umiiral lamang sa isipan ng mga “fringe ordinal theorists”.

Para sa higit pang mga detalye sa Ordinal Theory, tingnan ang pangkalahatang-ideya.

Para sa higit pang mga detalye sa mga inskripsiyon, tingnan ang mga inskripsiyon.

Kapag handa ka na, isang magandang lugar na maaring magsimula ay ang mga inskripsiyon, isang kakaibang uri ng digital artifact na pinagana ng Ordinal Theory.

Mga link

Mga video

 

Nakakatulong ba ang artikulong ito?

0 sa 0 ang nagsabing nakakatulong ito

Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Mangyaring mag-sign in upang mag-iwan ng komento.